Home NATIONWIDE P20.7M hinihinalang ketamine nasabat ng BOC sa Clark

P20.7M hinihinalang ketamine nasabat ng BOC sa Clark

3
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P20 milyon halaga ng hinihinalang iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark makaraang madiskubre nila ito sa isang parsela na naglalaman ng tinatayang 4,410 gramo ng umano’y Ketamine.

Ayon sa BOC, itinago ang hinihinalang ilegal na droga sa isang parcel na idineklarang naglalaman umano ng “Ceramic Fan.”

Nagmula ang shipment sa Amsterdam, Netherlands at nakatakdang ipadala sa Valenzuela City.

Sa isinagawang initial screening gamit ang spectrometer, lumabas ang indikasyon ng presensya ng “Special K” o ketamine, isang mapanganib na droga na saklaw ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang pagsusuri at beripikasyon ng mga awtoridad sa nakumpiskang shipment.

Inaasahang maglalabas ang BOC ng karagdagang detalye hinggil sa operasyon at sa mga posibleng managot sa pagpasok ng naturang kontrabando sa bansa. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here