Home METRO Seguridad sa DLSU-D pinaigting sa security threat

Seguridad sa DLSU-D pinaigting sa security threat

4
0

DASMARIÑAS, CAVITE, Philippines – Nagpatupad ng emergency at safety protocols ang De La Salle University-Dasmariñas (DLSU-D) matapos kumalat ang isang security threat sa mga group chat ngayong Huwebes, Oktubre 1, 2026.

Nilinaw na walang aktwal o kumpirmadong mass shooting na naganap sa unibersidad, ngunit agad na pinaigting ang seguridad bilang pag-iingat.

Naka-deploy sa mga entrance at exit ng campus ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), SWAT at K-9 units para sa security sweeps at pagpapatupad ng evacuation protocols.

Pinayuhan naman ng University Student Government (USG) ang mga estudyante at iba pang miyembro ng Lasallian community na ligtas na lisanin agad ang campus.

Suspendido rin ngayong araw ang lahat ng pagsusulit at group-graded activities. Inatasan ang mga guro na tiyaking walang estudyanteng mapaparusahan dahil sa suspensyon.

Ayon sa paunang beripikasyon ng Heraldo Filipino, ang indibidwal na tinutukoy sa banta ay walang koneksyon sa unibersidad.

Hiniling naman sa publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang hindi kinakailangang takot at pangamba. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here