Home NATIONWIDE 54-taong gulang na Maceda Law, aamendahan ng Senado sa proteksiyon ng homebuyer

54-taong gulang na Maceda Law, aamendahan ng Senado sa proteksiyon ng homebuyer

1
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pag-amyenda sa Republic Act No. 6552 o mas kilala bilang Realty Installment Buyer Act, dahil kailangang i-update ang 54-taong gulang na batas upang umayon sa kasalukuyang sitwasyon ng pabahay at pananalapi sa bansa.

Bilang chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, sinabi ni Escudero na maraming pamilya ang nakararanas ng hindi patas na pagtrato sa ilalim ng kasalukuyang batas.

“In pushing this bill, we give Filipino homebuyers a better chance of making it to the finish line—and finally calling the home they have worked and paid for their own. One missed payment should be a setback, not the end of the road toward owning a home,” sabi ni Escudero sa plenaryo nitong Martes.

Inisponsor ni Escudero ang Senate Bill No. 2504 na magpapalawak ng proteksyon para sa mga Pilipinong bumibili ng bahay at lupa sa hulugan.

Ang RA 6552 o Maceda Law ay naipasa pa noong 1972 at isinulat ng yumaong Sen. Ernesto Maceda. Ito ang kauna-unahang batas na nagbigay ng grace period, refund, at proteksyon laban sa biglaang kanselasyon ng kontrata.

Pero ayon kay Escudero, kailangan na itong palakasin para umayon sa realidad ngayon ng mga homebuyer.

Mga bagong probisyon:

Mas mahabang grace period

1.     Nakabayad na ng 2 taon pataas: 1 buwang palugit sa bawat taon ng hulog

2.     Nakabayad ng wala pang 2 taon: 60 araw na palugit

3.     Mas malaking refund o cash surrender value

4.     Magsisimula sa 50% at tataas ng 5% kada taon pagkatapos ng 5 taon, hanggang 90%

5.     Mas maraming opsyon bago kanselahin

Sa loob ng grace period, maaaring:

1.     Ilipat o i-assign ang karapatan sa iba

2.     Mag-advance payment

3.     Bayaran nang buo ang balance nang walang surcharge

4.     Mas mahigpit na proseso sa kanselasyon

5.     Dapat gawin sa pamamagitan ng notarial act

6.     Epektibo lang pagkatapos ng 30 araw at pagkatapos maibalik ang refund

7.     Penalty na 1.5% kada buwan kung maantala ang refund

8.     Mas mabilis na transfer ng titulo

9.     Dapat i-transfer at i-rehistro ng seller ang titulo sa loob ng 120 araw matapos mabayaran nang buo

10.  Penalty na 0.05% ng contract price kada buwan kung maantala nang walang dahilan

Ceiling sa penalty

1.     Magkakaroon ng limitasyon sa delinquency penalty

2.     Walang penalty na maaaring ipataw sa loob ng grace period

Giit ni Escudero, sa pamamagitan ng mga repormang ito, mabibigyan ng mas malaking tsansa ang mga Pilipino na matapos ang pagbabayad at tuluyan nang magkaroon ng sariling bahay. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here