Home HOME BANNER STORY 1,200 bamboo, itinanim sa protected landscape sa Aurora

1,200 bamboo, itinanim sa protected landscape sa Aurora

1
0

AURORA, Philippines – Mahigit 1,200 puno ng kawayan ang itinanim sa isang National Greening Program site sa Talaytay Protected Landscape sa Barangay Dibaraybay bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga nasirang kagubatan.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Luzon, pinangunahan ng DENR-Casiguran community office ang pagtatanim noong Setyembre bilang paggunita sa Philippine Bamboo Month.

May lawak na humigit-kumulang 3,526 ektarya ang Talaytay Protected Landscape na sakop ang Dinalungan at Casiguran at nagsisilbing proteksiyon sa Talaytay River watershed.

Orihinal itong itinatag bilang watershed forest reserve noong 1990 bago idineklarang protected landscape noong 2000 sa ilalim ng Proclamation No. 283.

Ayon kay DENR-Casiguran community head Ariel Mendoza, isinusulong ng National Greening Program ang pagtatanim ng kawayan dahil nakatutulong ito sa pagpapanumbalik ng mga degraded area, pagsipsip ng carbon dioxide at pagbawas ng soil erosion.

Mahigit 85 katao mula sa Barangay Dibaraybay, Talaytay Protected Landscape Occupants Association Inc., Bantay Kalikasan ng Dinalungan Aurora Inc. at Casiguran municipal environment office ang lumahok sa aktibidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here