Home METRO 3 rehiyon minomonitor sa banta ng El Niño – OCD

3 rehiyon minomonitor sa banta ng El Niño – OCD

1
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na minomonitor ng Office of Civil Defense (OCD) ang Caraga, Calabarzon at Cagayan Valley dahil sa banta ng very strong El Niño sa huling bahagi ng 2026.

Ayon sa OCD, umabot na sa halos 304,000 katao ang apektado sa tatlong rehiyon, kabilang ang mahigit 256,000 sa Caraga, mahigit 47,500 sa Cagayan Valley at 191 sa Calabarzon.

“[Sa Caraga region], based on the reports nasa 256,000 plus persons ang apektado. Sa Region 2 naman, there are 47,500 plus persons at sa Calabarzon, may na-report po na 191,” ani OCD spokesperson Vicente Gregorio Tomas.

Ayon sa PAGASA, maaaring tumagal ang El Niño hanggang Marso o Hunyo. Tinatayang nasa 40 lalawigan ang makararanas ng mas kaunting ulan, na maaaring umabot sa 80 pagsapit ng Enero 2027.

Inaasahan ding tataas ang temperatura, mula sa minimum na 3 degrees Celsius hanggang 38.7 degrees Celsius.

Sinabi ni Tomas na nakahanda na ang mga lokal na pamahalaan at pinaigting ang monitoring sa mga lugar na posibleng maapektuhan.

“Katuwang natin ang mga local government units, nagkaroon na po ng response measures. Naka-alert na po sila. Pinaigting po ‘yung monitoring sa mga areas na maapektuhan nitong very strong El Niño,” ani Tomas.

Dahil sa banta ng matagal na tagtuyot, hinimok ng OCD ang publiko na magtipid sa tubig at mag-imbak nito kapag umuulan.

“Magtipid po tayo sa paggamit ng tubig… Kapag umulan, salukin po natin ‘yung empty containers o mga used containers, basta malinis lang po at hindi stagnant water,” dagdag ni Tomas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here