Home METRO P3.4M tobats, nasabat sa HVT sa Tawi-Tawi

P3.4M tobats, nasabat sa HVT sa Tawi-Tawi

3
0

TAWI-TAWI, Philippines – Arestado ang isang high-value target matapos masamsam sa kanya ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Abraham Solon Kalim, hepe ng PDEA-BARMM Tawi-Tawi provincial office, ang suspek na si Mahadir Arabani Udja, 28, residente ng Barangay Silubog, Bongao.

Ayon kay Kalim, agad na inaresto si Udja matapos nitong iabot ang hinihinalang shabu sa undercover agent sa Barangay Tubig Tanah dakong alas-8 ng gabi.

Sampung sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride na may kabuuang timbang na 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang nakumpiska.

Pinangunahan ng PDEA ang operasyon kasama ang Philippine Marines at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU). Pinuri ni Kalim ang suporta ng 4th Marine Rifle Battalion, Tawi-Tawi Police Provincial Office at Bongao Municipal Police Station.

Isinagawa ang operasyon dalawang araw matapos makasamsam ang PDEA-Tawi-Tawi ng P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa karagatan ng Bongao.

Sa naunang operasyon, naaresto ang umano’y big-time drug peddler na si Sheik Sahid Basa Abdulla, na nasugatan matapos umanong paputukan ng kanyang mga kasama ang mga paparating na law enforcers. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here