MANILA, Philippines – Patuloy na sinusuri ng Department of Justice (DOJ) ang affidavit ng sinibak na pulis na si Rodulfo Gracioso Jr., na nag-akusang naghatid siya ng mga maletang may lamang pera kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang mga kaanak.
Ayon kay Gracioso, ginawa niya ang mga paghahatid sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, kung saan dati siyang nakatalaga sa security detail. Mariing itinanggi ni Duterte ang alegasyon.
Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na isinasaalang-alang ng DOJ ang mga isyu sa kredibilidad na ibinabato kay Gracioso.
Sinusuri rin ng departamento kung kwalipikado si Gracioso para sa witness protection at kung makatutulong ang kanyang mga alegasyon sa pagbuo ng kaso.
Ayon kay Vida, masyado pang maaga para sabihin kung kakailanganin pang opisyal na sumagot ni Duterte sa mga alegasyon ni Gracioso. Jocelyn Tabangcura-Domenden