Home METRO 9 durugista, P208K droga timbog sa Bulacan buy-bust ops

9 durugista, P208K droga timbog sa Bulacan buy-bust ops

2
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang indibiduwal nang mahulihan ng P48,552.00 halaga ng iligal na droga at baril sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Pulilan nitong  gabi ng Setyembre 30.

Sa ulat ni PLTCOL Eric  Cister, hepe ng Pulilan police station, isinagawa ang operasyon bandang 9:00 ng gabi sa Brgy. Inaon.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa suspek na si alyas “Boy” ang anim na plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P48,552.00, calibre .38, mga bala at buy-bust money.

Samantala, sa ulat ng Angat, Calumpit, Santa Maria, San Jose Del Monte, Hagonoy, Malolos at Meycauayan police station, walo pang indibiduwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon.

Nakumpiska sa nga nasabing operasyon ang 16 sachets ng hinihinalang shabu, anim na sachets ng hinihinalang marijuana na may halagang P159,551 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng mga istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here