Home METRO Kelot timbog sa mga ‘di lisensyadong baril sa Zambales

Kelot timbog sa mga ‘di lisensyadong baril sa Zambales

6
0

ZAMBALES, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulian ng mga di-lisensiyadong baril at mga bala sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay Feria, San Felipe.

Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col Benjamin P. Ariola Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si alyas “Kardo”, nasa wastong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Korte, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek kung saan nadiskubre at nasamsam sa pag-iingat nito ang isang (1) improvised shot gun, dalawang (2) bala ng 12-gauge shotgun, isang caliber 38 revolver na walang serial number at anim (6) na bala.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.(ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here