Home NATIONWIDE Retail treasury bonds bilang investment option sa mga Pinoy, pinromote ng gobyerno

Retail treasury bonds bilang investment option sa mga Pinoy, pinromote ng gobyerno

5
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ng gobyerno ang mga filipino na mamuhunan sa Retail Treasury Bonds (RTBs) na hindi na bababa pa sa P5,000, pinapayagan ang mga indibiduwal na kumita na may pirming interes habang tinutulungn ang finance government programs at mga proyekto sa iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maaaring mamuhunan ang mga pinoy sa RTBs at ang malilikom ay makatutulong sa finance government projects sa edukasyon, healthcare, business support, job generation, at iba pang inisyatiba na naglalayong palaguin ang ekonomiya.

“Ginawa po ito ng gobyerno para sa ordinaryong Pilipino, sa empleyado, sa maliliit na negosyante at sa pamilyang gustong palaguin ang kanilang pinaghirapang ipon,” ayon kay Castro.

Winika pa ni Castro na binigyang diin ng gobyerno ang potensiyal na kikitan mula sa RTBs, sabay sabing makatatanggap ang mga investors ng interes na maaaring mas mataas kaysa sa traditional time deposits, dahil maaaring kumita ang mga ito ng fixed interest rate na 6.875% taun-taon para sa 2.5-year term.

Ang pamumuhunan aniya sa RTBs ay mas convenient dahil maaaring bumili ang mga filipino sa pamamagitan ng mga kalahok na ahente sa pagbebenta sa buong bansa.

“Madali lang po ang pag-enroll dito, pwede na po itong gawin sa ating mga mobile banking apps at e-wallets,” ang pahayag ni Castro.

Ang subscription period para sa RTB 32 ay tatakbo mula September 29 hanggang October 7, 2026, na may settlement date na itinakda sa October 12.

Samantala, maaaring bisitahin ng publiko ang Bureau of the Treasury website na www.treasury.gov.ph⁠ para sa karagdagang impormasyon kabilang na ang kompletong listahan ng mga kalahok na ahente sa pagbebenta. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here