Home LIFESTYLE HEALTH Higit 14M Pinoy lantad sa kanser dahil sa paninigarilyo

Higit 14M Pinoy lantad sa kanser dahil sa paninigarilyo

1
0

MANILA, Philippines – Umaabot sa 20 milyon ang mga Pilipinong nanganganib magkasakit ng kanser dahil sa paninigarilyo, ayon sa mga panelist sa The 2nd National Harm Reduction & Nicotine Summit sa Citadines Bay City, Pasay City, nitong Huwebes.

Isinagawa ang summit ng coalition ng consumer groups, health advocates at policy experts, kasama ang Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA), isang independent industry association ng mga manufacturer, importer at retailer ng vape.

Ayon kina Dr. Rohan Savio Sequeira ng Society of Medically Harm Reduced Alternatives (SOMHRA), Dr. Lorenzo Mata ng Quit for Good at PECIA President Joey Dulay, maaaring mabawasan ang panganib sa pamamagitan ng paglipat sa alternatibong produkto, tamang regulasyon ng pamahalaan at balanseng pagbubuwis.

Iginiit ng mga speaker na ang pangunahing sanhi ng pinsala mula sa tradisyonal na sigarilyo ay ang pagsusunog ng tobacco, na lumilikha ng mapanganib na kemikal, at hindi ang nicotine lamang.

Sinabi rin ng grupo na ang sobrang pagtataas ng buwis sa e-cigarettes at vapor products ay maaaring hindi makatulong sa pagpigil sa paninigarilyo. Anila, maaaring bumalik sa tabako ang ilang gumagamit ng e-cigarette kapag masyadong mahal ang vapor products.

Maaari rin umanong lumawak ang illicit trade ng sigarilyo at vapor products na hindi dumadaan sa wastong kontrol ng pamahalaan.

Iminungkahi ng grupo ang balanseng pagbubuwis, mahigpit na kontrol sa distribusyon at pagbebenta, at pagpapatupad ng pamantayan sa kalidad ng cigarettes at vapor products.

“Harm reduction policies can save lives , while total bans risk fuelling illicit markets and relapse “, sabi ni Dr. Lorenzo Mata, Pangulo ng PHILTRA at co-convenor ng Quit For Good. DAVE MEDINA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here