Home METRO Lalaking nagpapahid ng ‘anti-anay’ nakuryente, tigok

Lalaking nagpapahid ng ‘anti-anay’ nakuryente, tigok

1
0

ILOCOS SUR, Philippines – Tigok ang isang 24-anyos na lalaki matapos makuryente habang nagpapahid ng “Anti-Anay” sa kisame ng isang bahay sa bayan ng San Vicente ng lalawigang ito nitong hapon ng Huwebes, Oktubre 1.

Ayon sa San Vicente MPS, ang biktima ay tubong-Malasiqui, Pangasinan pero nag-i-stay ngayon sa Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Bago nangyari ang insidente, ang biktima kasama ang iba pang male workers ay abala sa paglalagay ng “Anti-Anay” sa kisame ng bahay.

Makalipas ang ilang oras, ang house owner at mga kasamang trabahador ng biktima ay bigla na lang nakarinig ng malakas na kalabog  mula sa isa sa mga silid ng naturang bahay.

Nang puntahan nila ang silid na pinanggalingan ng narinig nilang kalabog ay nakita nila ang biktimang nakabitin at pati na rin ang sirang portion o  bahagi ng ceiling.

Sa pagrescue ng mga RHU personnel ay agad nilang tiningnan ang vital signs ng biktima ngunit wala na silang makitang response o senyales na buhay pa ang biktima.

Dahil dito, idineklara ng mga RHU personnel na patay na ang biktima. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here