Home METRO 70-anyos lalaki, sinaksak ng manugang sa Batangas

70-anyos lalaki, sinaksak ng manugang sa Batangas

3
0

BATANGAS, Philippines – Idineklarang dead on arrival ang isang 70-anyos na lalaki matapos umanong saksakin ng kanyang manugang sa Purok 2, Barangay 3, Lipa City, Batangas, nitong Biyernes, Oktubre 2.

Kinilala ang biktima sa alyas na Casiano, biyudo at residente ng naturang lugar. Nagtamo siya ng saksak sa kanang bahagi ng katawan at isinugod sa Ospital ng Lipa ngunit idineklarang patay pagdating doon.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang alyas Tukis, 48, walang trabaho at residente rin ng Barangay 3. Ayon sa pulisya, mabilis itong tumakas sakay ng Yamaha Aerox na motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:30 ng umaga nang dumating umano ang suspek sa bahay ng biktima habang nakatayo ito sa labas. Armado umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang kanyang biyenan bago tumakas.

Napag-alaman na pinaghihinalaan umano ng suspek na may relasyon ang kanyang asawa at ang biktima. Lumabas din umano ang suspek mula sa drug rehabilitation matapos ang problema nito sa paggamit ng ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here