Home METRO Most Wanted sa kasong statutory rape nalambat ng mga parak sa Bulacan

Most Wanted sa kasong statutory rape nalambat ng mga parak sa Bulacan

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang Regional Level Top 8 Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA)  sa bayan ng Marilao nitong gabi ng Oktubre 1.

Sa ulat ni PLTCOL Edwin Lacostales, Acting chief of police ng Marilao police station, kinilala ang akusado na si alyas “Ron”, residente ng Brgy. Prenza 2.

Ayon sa ulat, naisilbi ang WOA ng tracker team ng istasyon katuwang ang kanilang Women and Children Protection Desk at Provincial Intelligence Team Bulacan West/RIU 3 bandang 6:00 ng gabi sa nasabing lugar.

Nabatid na ang WOA sa kasong Statutory Rape ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121, Meycauayan City noong Agosto 4, 2026 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ang turnover sa court of origin. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here