Home HOME BANNER STORY Choi-Wan, lumakas sa labas ng PAR

Choi-Wan, lumakas sa labas ng PAR

4
0

MANILA, Philippines – Lumakas bilang bagyo si Choi-Wan habang nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Sabado, Oktubre 3.

Alas-3 ng madaling araw, namataan si Choi-Wan 2,430 kilometro silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 160 kph, habang kumikilos pahilaga sa bilis na 10 kph.

Sa ngayon, hindi inaasahang papasok sa PAR ang bagyo, ngunit patuloy na nakaaapekto ang trough nito sa ilang bahagi ng bansa.

Inaasahang makakaranas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Leyte at Southern Leyte. Posible ang katamtaman hanggang malakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy ang epekto ng trough ni Choi-Wan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Masbate hanggang Oktubre 5.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, na may posibilidad ng isolated rain showers o thunderstorms. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here