MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 sa draw noong Biyernes, Oktubre 2, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58 ay 58-52-34-29-11-32, na may jackpot na P353.31 milyon.
Samantala, 04-24-16-14-43-39 ang winning combination sa Mega Lotto 6/45, na may jackpot na P87.78 milyon.
Dahil walang nakakuha ng jackpot, madadagdagan pa ang premyo para sa susunod na draw. RNT/MDS