Home LIFESTYLE HEALTH WHO: Life expectancy, halos bumalik na sa pre-COVID level

WHO: Life expectancy, halos bumalik na sa pre-COVID level

6
0

GENEVA, Switzerland – Halos nakabalik na sa pre-pandemic level ang global life expectancy noong 2023, ngunit mas mabagal ang pagbangon ng mga taon na inaasahang mabubuhay ang isang tao nang nasa mabuting kalusugan, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa WHO Global Health Estimates, umabot sa 73.3 taon ang global life expectancy noong 2023, bahagyang mas mababa sa 73.4 taon noong 2019, bago ang COVID-19 pandemic. Bumagsak naman ito sa 71.5 taon noong 2021 dahil sa pandemya.

“Living longer is one of the great achievements of public health,” pahayag ni Alain Labrique, head ng WHO data department.

“The next challenge is to ensure that those additional years are lived in good health, while health systems adapt to respond to the changing needs of populations.”

Samantala, nasa 62.8 taon ang healthy life expectancy noong 2023, o 0.4 taon na mas mababa kaysa 2019 level, na nagpapakitang mas mabagal ang pagbangon nito mula sa epekto ng pandemya.

Iniulat din ng WHO na tatlong beses na tumaas ang dementia deaths, habang malaki rin ang itinaas ng health loss na kaugnay ng anxiety at depression mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Sa pagitan ng 2000 at 2023, pinakamalaking pagtaas sa risk of mortality at healthy life loss ang naitala sa WHO Americas region, habang malaki naman ang ibinaba sa Western Pacific.

Sa tinatayang 61 milyong pagkamatay sa buong mundo noong 2023, 33 milyon ang dulot ng 10 nangungunang sanhi ng kamatayan. Walo sa mga ito ay noncommunicable diseases (NCDs), na ngayon ay responsable sa 74% ng lahat ng pagkamatay, kumpara sa 58% noong 2000.

Pinakamalaking sanhi ang ischemic heart disease, na responsable sa 16% ng lahat ng pagkamatay. Mula 2000 hanggang 2023, tumaas ang deaths nito mula 3 milyon hanggang 9.5 milyon.

Sumunod ang stroke at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), na responsable sa humigit-kumulang 11% at 6% ng kabuuang pagkamatay. Pang-apat ang lower respiratory infections, ang nangungunang nakahahawang sakit na sanhi ng kamatayan.

Panglima naman ang Alzheimer’s disease at iba pang uri ng dementia, na pumatay sa tinatayang 2.1 milyong tao noong 2023.

Sa unang pagkakataon mula nang lumaganap ang pandemya, wala na ang COVID-19 sa top 10 leading causes of death. Tinatayang 5.3 milyon ang direktang namatay dahil dito noong 2020 at 9.4 milyon noong 2021, bago bumaba sa 900,000 noong 2023, na naglagay dito sa ika-14 na puwesto.

Samantala, 62% na bumaba ang HIV/AIDS deaths mula 2020, kaya mula sa pagiging ika-7 nangungunang sanhi ng kamatayan noong 2000 ay naging ika-22 noong 2023. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here