MANILA, Philippines – Nagbigay na ng go signal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa P3bilyong pondo para sa sektor ng agrikultura na gagamitin bilang fuel subsidy.
Sa katunayan, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang nakatakdang pagpapatupad ng fuel subsidy program para sa mga magsasaka, mangingisda at agricultural truckers bilang bahagi ng mga hakbang ng gobyerno para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sinabi ni DA Undersecretary for Agro-MArine Industrial Systems Arrey Pere, ang bawat sektor ay makatatanggap ng P1 bilyon na may kabuuan ngang P3 bilyon.
Para sa mga magsasaka, magbibigay ang DA ng P5,000 one-time assistance sa pamamagitan ng Interventions Monitoring Card (IMC).
Sa darating na Nobyembre, inaasahang sisimulan ang rollout, subalit dahil target ng departamento na mapabilis ito ay posibleng masimulan ito ngayong buwan ng Oktubre kasabay ng planting season.
Sa kabilang dako, ang mga mangingisda na may awtorisadong fishing boat ay makatatanggap nman ng P9,350 cash assistance.
Samatalang ang mga agri-truckers at food-lane operators ay makatatanggap ng hanggang P2,000 kada linggo, katumbas ng 20 litro ng gasolina na may P10 diskwento kada litro.
Ang mga ito ay gagamitin din ng IMC card na may laman nang subsidy at puwedeng gamitin sa mga gasolinahang may point-of-sale (POS) terminals.
Kailangan lamang magakita ng patunay na sila ang may-ari o umuupa ng kanilang mechanized agricultural equipment.
Tinatayang may 300,000 benepisaryo mula sa tatlong sektor na nabanggit na makatatanggap ng ayuda.
At upang mapadali ang pamamahagi, magsasagawa ang DA, katuwang ang Development Bank of the Philippines (DBP), ng mga caravan kung saan maaaring iproseso at i-print ang IMC cards.
Kasabay ng fuel subsidy program, inihahanda naman na ng DA ang mga hakbang para mapanatili ang produksyon at suplay ng pagkain sa harap ng inaasahang epekto ng Super El Niño.
Sa katunayan, klabilang sa mga hakbang ang pagpapalakas ng farm -to-market roads at pagdaragdag ng solar-powered irrigation system para makatulong sa mga lugar na puwedeng makaranas ng kakulangan sa tubig.
Sinasabing, maglalagay din ang DA ng modular cold storage facilities sa mga piling lugar para makatulong sa tamang pag-iimbak ng mga ani at mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Magpapatupad din ang DA ng mga proyekto para sa ice plants at iba pang post-harvest facility.
Hinikayat naman ni Pers ang mga magsasaka, mangingisda at agri-truckers na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na gobyerno para mabatid ang mga mapakikinabangan na programa at proseso sa iba pang mga tulongh ng gobyerno. (KRIS JOSE)