Home NATIONWIDE DOH kinastigo ni Gatchalian sa P600M nasayang na bakuna noong 2025

DOH kinastigo ni Gatchalian sa P600M nasayang na bakuna noong 2025

6
0

MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Health (DOH) sa nasayang na mahigit P590 milyon halaga ng bakuna na gagamitin sa vaccination program ng gobyerno noong 2025.

Sa ginanap na deliberasyon ng Senate Committee on Finance sa panukalang 2027 budget ng DOH na pinamumunuan ni Senador JV Ejercito, pinuna ni Gatchalian ang ahensiya sa nasayang na pondo para sa vaccination program sa mag-aaral.

Gamit ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), binigyang-diin ni Gatchalian na 62.41%, o P4.93 billion, ng P7.9 billion na inilaan para sa National Immunization Program (NIP) noong 2025.

Ayon kay Gatchalian, gagamitin ang pondo para sa pitong bakuna na kailangan sa first 1,000 days o unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata.

“Umabot sa tinatayang P590.3 milyon ang halaga ng nasayang na mga bakunang ito para sa first 1,000 days ng mga bata noong taong 2025,” ayon kay Gatchalian.

Ngunit noong taon ding iyon, 65% lamang ang immunization coverage o ang porsyento ng mga batang nabakunahan.

“Kung naibigay sana natin ang mga bakuna na may halagang kalahating bilyon sa mga bata, baka 70% o 80% na sa kanila ang nabakunahan natin,” ani Gatchalian.

Tiniyak naman ni Secretary of Health Edwin Mercado na gagamitin nila ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) clinics ng PhilHealth para mapataas ang vaccination rate. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here