Home NATIONWIDE Mga buto ng tao natagpuan sa kagubatan sa Dalaguete, Cebu

Mga buto ng tao natagpuan sa kagubatan sa Dalaguete, Cebu

9
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang mga buto ng tao sa masukal na lugar sa Sitio Salay, Barangay Lanao, Dalaguete sa Cebu noong Huwebes ng umaga, Oktubre 2.

Ayon sa report ng Dalaguete Municipal Police Station, nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen bandang 9:50 ng umaga kaugnay sa pagkakadiskubre sa mga ito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon at pahayag ni Otom, naghahanap ito ng panggatong nang makita ang hinihinalang mga labi ng tao.

Dahil dito ay humingi na siya ng tulong sa pulisya.

Sa ocular inspection sa lugar, nakita ng mga awtoridad ang mga buto ng tao kasama ang piraso ng damit. Isang gray t-shirt at brown na cargo shorts.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Dalaguete Municipal Police Station sa Scene of the Crime Operatio team sa pagproseso at formal documentation ng narekober na mga labi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here