Home NATIONWIDE Tinio humihirit ng full disclosure sa BARSc budget amendments

Tinio humihirit ng full disclosure sa BARSc budget amendments

7
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio nitong Sabado, Oktubre 3 ng full disclosure sa mga programa ng pamahalaan na nakatanggap ng amendments sa deliberasyon ng Kamara sa proposed P7.2-trillion national budget para sa 2027.

Nagsimula nang suriin ng House Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ang amendments noong Huwebes.

Ani Tinio, P77.86 bilyon, o 67 percent ng P116.32 bilyon ang approved amendments na napunta sa pitong programa na vulnerable sa legislative o executive discretion.

Kabilang dito ang Department of Public Works and Highways capital outlays, Local Government Support Fund, farm-to-market roads, Health Facilities Enhancement Program, Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, at Assistance to Individuals in Crisis Situations.

“These amendments show that pork has not disappeared from the national budget. It has merely been repackaged under institutional amendments, local government support, infrastructure lump sums, and cash assistance programs,” sinabi ni Tinio.

Aniya, ang pitong programa ay may pinagsamang badyet na P841.71 bilyon o halos kalahati ng projected 2027 deficit ng pamahalaan.

Ang kanilang pinagsamang alokasyon ay tumaas ng 12.5% sa proposed 2027 budget kumpara sa 2.1% increase sa 2026 enacted budget.

“Dapat maging bukas sa publiko ang buong budget trail—mula sa nagmungkahi, patungo sa pinondohan, hanggang sa aktuwal na gumastos. Kung walang transparency sa pinagmumulan at paggamit ng pondo, mananatili itong pork barrel kahit palitan ang pangalan,” ani Tinio.

Inaprubahan ng BARSc ang karagdagang P4.091 bilyon para sa LGSF, na may proposed allocation na P58.53 bilyon sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program.

Tinukoy din niya ang P11.49 bilyon ng approved amendments para sa DPWH at P4.96 bilyon para sa farm-to-market roads.

Aniya, wala sa approved amendments ang na-itemized.

“Dapat malaman kung alin ang binawasan para madagdagan ang mga nasa proposal. Para sa mga infrastructure projects, dapat malinaw din kung sino ang proponents, district representative man o party-list, para may accountability.”

Kinwestyon din niya ang special provision na nagpapahintulot sa mga ahensya na baguhin ang mga programa.

Nanawagan din siya sa mas mataas na Personnel Economic Relief Allowance (PERA) para sa mga empleyado ng pamahalaan at sinabing walang karagdagang pondo ang naibigay sa kabila ng panawagan na itaas ito sa P500 monthly increase.

Sa ilalim ng proposed 2027 budget, ang P500 increase ay magdadala ng buwanang PERA sa P2,500. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here