MANILA, Philippines – Naapula na ang sunog sa motor tanker vessel na MTKR Gindara matapos ang 45 oras na pagkasunog sa Calaca, Batangas.
Ayon sa Coast Guard Southern Tagalog, ang sunog ay sumiklab alas-5 ng hapon noong Miyerkules habang nakadaong ang barko sa Balayan Distillery Port sa Barangay Talisay, Calaca City.
Nagbababa ng molasses ang barko nang magsimula ang sunog.
Sa inisyal na report ay napag-alaman na nagsimula ang sunog sa engine room ng barko.
Nananatiling under investigation ang sanhi ng sunog.
Nasagip naman ang lahat ng 22 crew member bagamat dalawa ang nasaktan sa insidente. RNT/JGC