Home NATIONWIDE Gender-responsive reforms sa mas inklusibong maritime industry isinusulong ng Pilipinas

Gender-responsive reforms sa mas inklusibong maritime industry isinusulong ng Pilipinas

6
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Pilipinas ang mga polisiyang tumutugon sa kasarian at mga repormang institusyonal para palakasin ang partisipasyon at pamumuno ng kababaihan sa maritime industry, bilang pagkilala sa kanilang papel sa pagbuo ng mas inklusibo, ligtas, at future-ready na sektor.

Binigyang-diin ang commitment na ito sa WIMA Asia Regional Workshop on Gender-Responsive Policy and Legislative Design na ginanap noong Setyembre 28–30, 2026 sa Singapore, na pinagsama-sama ang mga maritime stakeholder sa buong Asya para isulong ang mga praktikal na reporma sa gender equality.

Kumatawan sa Pilipinas sina MARINA Domestic Shipping Service Director Jinky M. Mendoza at WIMA Asia President at WIMAPHIL representative Merlie San Pedro, kasama ang mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard at WIMAPHIL.

Nakatuon ang talakayan sa pagpapalawak ng access ng kababaihan sa maritime education at training, oportunidad sa pamumuno, ligtas at inklusibong lugar ng trabaho, at maternity protection — mga aspetong kritikal sa pagbuo ng mas malakas at mas patas na maritime workforce.

Ibinahagi rin ng delegasyon ng Pilipinas ang karanasan ng bansa sa maritime administration, regulasyon, domestic shipping, at gender mainstreaming, habang nag-ambag sa talakayan hinggil sa panukalang National Action Plan for Gender Equality sa Philippine Maritime Sector.

Layon ng inisyatiba na isalin ang mga pangako sa gender equality tungo sa masusukat na aksyon, malinaw na indicators, at accountable na implementasyon, para sa maritime industry kung saan maaaring lumahok, mamuno, at humubog ng kinabukasan ang kababaihan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here