Home NATIONWIDE PCG, PN, PNP-MG hinarang ng China Coast Guard sa pagresponde sa dynamite...

PCG, PN, PNP-MG hinarang ng China Coast Guard sa pagresponde sa dynamite fishing sa Pag-asa

5
0

MANILA, Philippines – Hinarang ng China Coast Guard (PCG) ang inter-agency team ng Pilipinas na rumesponde sa ulat ng dynamite fishing malapit sa Sandy Cays 2 at 3, 3 nautical miles kanluran ng Pag-asa Island — sa loob ng territorial sea ng Pilipinas, ngayong Oktubre 4.

Noong Oktubre 4, 2026, rumesponde ang inter-agency team ng PCG, Philippine Navy-Marines, at PNP-MG sa ulat ng dynamite fishing malapit sa Sandy Cays 2 at 3, 3 nautical miles kanluran ng Pag-asa Island — sa loob ng territorial sea ng Pilipinas.

Pinangunahan ng bagong tatag na Coast Guard District Kalayaan Island Group (CGD KIG) sa ilalim ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang pagresponde kasama ang Philippine Navy-Marines, at PNP-MG.

Layon nitong palakasin ang presensya at mabilis na pagresponde ng PCG sa Kalayaan.

Ayon sa PCG, nakita ng Joint Task Unit Pag-asa ang dayuhang fishing vessel na nagba-blast fishing.

Agad na nadeploy ang team — PCG HSRB-019, RHIB at rubber boat ng Navy, at RHIB ng PNP-MG mula Pag-asa port.

Ilang minuto lang, hinarang sila ng China Coast Guard vessels 5102 at 21581 — bumubusina at nag-radio challenge kahit nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Naabutan ang fishing vessel 500 metro mula Sandy Cay 2, pero nakabalik na sa mother boat ang maliliit na bangkang nagsagawa ng pagsabog.

Hindi huminto ang barko at tumakas pa-Zamora (Subi) Reef.

Habang hinahabol, bumuntot at hinarangan ng CCG 21581 ang PH boats at lumapit ng 10 yarda sa HSRB-019.

Ayon sa PCG, sinisira ng dynamite fishing ang bahura at kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino at bawal sa Fisheries Code.

Routine law enforcement lang ang operasyon, hindi laban sa anumang bansa.

Giit ng PCG, walang law enforcement authority ang CCG sa Pag-asa. Hindi nito pinrotektahan ang kalikasan at pinatakas pa ang mga lumabag.

Patuloy na ipatutupad ng PCG, PN at PNP-MG ang batas at protektahan ang Pag-asa at Kalayaan Island Group, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na ipagtanggol ang atin at pangalagaan ang marine resources. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here