Home METRO Krimen sa CAMANAVA bumaba

Krimen sa CAMANAVA bumaba

5
0

MANILA, Philippines – SA ilalim ng pamumuno ni District Director P/BGen. Benliner Capili, nakapagtala ang Northern Police District (NPD) ng tuloy-tuloy na pagbaba ng krimen sa buong CaMaNaVa area.

Sa naitalang datos ng NPD, bumaba ang insidente ng krimen mula sa 104 noong buwan ng Hulyo sa 68 pagsapit ng Agosto o katumbas ng 34.62% habang pagsapit ng Setyembre ay lalu pa itong bumaba sa 59 na karagdagang pagbaba ng siyam na kaso o 13.24% kung ikukumpara sa nagdaang dalawang buwan.

Sinabi ni NPD Public Information Office (PIO) chief P/Lt. Reichhel Raymundo na maituturing na bumaba lahat ng focus crimes sa area ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) na kadalasang nangyayari at nagdudulot ng takot sa mamamayan dahil direkta itong nagbabanta sa kanilang buhay at ari-arian.

Kabilang naman sa naging susi ng pagbaba ng krimen sa NPD ang patuloy na pagsisikap na maimplementa ang police operations, pagpapalakas ng police visibility at pagpapatrulya, pati na ang inisyatiba sa pagiwas sa krimen.

Patuloy din ang maagap na pagpapatupad ng batas sa ilalim ng liderato ni BGen. Capili, pati na ang pagiging responsableng serbisyo publiko, mas mahigpit na pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang makatulong sa pagsugpo sa anumang banta ng kriminalidad. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here