Manila, Philippines – Takaw-pansin ang chemistry nina Julia Barretto at Bianca Umali nang kumalat ang photo na nakayakap ang huli sa una.
Ito ay bilang bahagi ng promo plug ng kanilang upcoming movie.
Sa mediacon ng kanilang pelikulang malapit nang ipalabas, natanong naman dito ang dalawa.
Ani Bianca, open daw siya sa muling pakikipagtrabaho kay Julia.
Pagbabalik-tanaw pa niya, nagkasama na raw sila noon sa shoot ng isang shampoo brand pero iba pa rin daw ang experience pagdating sa pakikipagtrabaho sa isang movie project.
“If the right project comes, I mean, why not?” sey niya.
“It’s a good conversation in time to have this kind of expansion in everyone’s careers, everyone is in the collaboration era,” dugtong niya.
Dugtong pa niya, magkasundong-magkasundo raw sila ni Julia dahil pareho silang Pisces ang zodiac sign.
Sa kaso naman ni Julia, puring-puri naman niya si Bianca.
Hirit pa niya, isa raw sa pinakapaboritong eksena niya sa kanilang movie ay iyong magkasama sila.
“I think coming together and having the conversation in that scene was so moving,” ani Julia.
“I’m excited for a lot of other women to see and resonate with it,” pahabol niya.
Para sa kanya, “a breath of fresh air.”
She mirrored Bianca’s praise by calling the latter “a breath of fresh air.” ‘Yan daw ang pakikipagtrabaho niya kay Bianca.
Hirit pa niya, game rin daw siya na gumawa ng GL kasama ang actress.
“It’s a material we’ll wait for, at the right time, but game!” bulalas ni Julia. Archie Liao