BATAAN – Timbog sa mga awtoridad ang 71 anyos na Senior Citizen (Female) na umano’y tulak na ipinagbabawal na droga at apat (4) pang kasabwat nito matapos masakote sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Lamao, Limay.
Kinilala ng PDEA ang naarestong target na suspek na si alyas “Neng”, 71 anyos at mga kasabwat nitong sina alyas “Mhaysia, 32, Em-em, 21, Onas, 50, at “Totoy”, 47 anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.
Nadakip ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkakasabwat na nagbenta ng shabu sa PDEA undercover agent.
Narekober sa mga suspek ang pitong (7) na may timbang na 20 grams at standard drug price ng P136,000.00, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nasa kustodiya na nang PDEA Region 3 Detention Facility ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ROEL TARAYAO