Home ENTERTAINMENT Boss Vic, may sagot sa ‘buntis isyu’ ni Sarah!

Boss Vic, may sagot sa ‘buntis isyu’ ni Sarah!

4
0

Manila, Philippines – A straight question deserves a straight answer–pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

Halimbawa na lang ang tanong na: buntis nga ba si Sarah Geronimo?

It all depends on the person being asked.

Tinanong kasi ng PEP si Boss Vic del Rosario if the singer-actress is pregnant.

Pero makahulugan lang ang naging tugon nito.

Boss Vic implied na next year pa babalik si Sarah sa trabaho: “‘Yun lang ang masasabi ko.”

If at all, dagdag ng Viva big cheese ay ayaw niyang manggaling sa kanya ang kumpirmasyon: “Pero parang alam na naman ng tao na hindi siya puwedeng magtrabaho.

“Hanggang doon na lang…she’s enjoying her happy life!”

Kung kayo ang sinagot nang ganoon, ano ang maaari n’yong isipin?

Hindi ba’t para na ring “oo” ang sagot ni Boss Vic?

Ano’t anuman, this is good news para sa mga tagahanga ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here