Home HOME BANNER STORY Manila North Cemetery, naglabas ng mga alituntunin para sa Undas 2026

Manila North Cemetery, naglabas ng mga alituntunin para sa Undas 2026

4
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala na ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa mga dadalaw ng mga dapat sundin para sa maayos at ligtas na paggunita sa nalalapit na Undas 2026.

Ayon sa abiso ng pamunuan:

– October 27, 2026 – huling araw ng paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura ng puntod.
– October 28, 2026 – huling araw ng libing.

Mula October 29 hanggang November 2, 2026, bukas ang sementeryo mula 5:00 AM hanggang 8:00 PM, at bawal na ang pagpasok ng anumang sasakyan sa loob sa mga araw na iyon.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at matatalim na bagay, alak, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system at speaker, at mga madaling magliyab tulad ng alcohol at thinner.

Ayon sa pamunuan, maagang inilabas ang abiso para matiyak ang kaligtasan, kaayusan at kapakanan ng bawat pamilyang bibisita.

Magbabalik sa regular na operasyon ang Manila North Cemetery sa November 3, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here