Home NATIONWIDE 26 lang sa 117 armas isinuko ni Bato – PNP

26 lang sa 117 armas isinuko ni Bato – PNP

2
0

MANILA, Philippines – Hindi pa naisusuko ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang karamihan ng mga armas nito na nakarehistro sa kanyang pangalan, ayon sa Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) nitong Lunes, Oktubre 5.

“From 117, they have turned in 26, so we still have 91. We are continuing our coordination with his legal officer,” sinabi ni PNP-CSG Director Maj. Gen. Aden Lagradante.

Matatandaan na kinansela ng PNP-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ang lisensya at rehistro ng mga armas ni Dela Rosa batay sa kautusan noong Mayo 26 na pinirmahan ni FEO chief Brig. Gen. Jose Manalad Jr.

“By our rules, [the firearms] should be surrendered, but the latest information is that they are still in the process of accounting for the remaining [ones],” sinabi ni Lagradante.

Dagdag pa niya, humiling ng reconsideration ang kampi ni Dela Rosa sa revocation sa pamamagitan ng liham sa PNP-FEO.

Nauna nang sinabi ng PNP-FEO na si Dela Rosa ay may hawak na Type 5 License to Own and Possess Firearms, na valid hanggang Marso 10, 2034 kasama ang 117 iba’t ibang armas na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Kasunod ng revocation, ang puganteng senador at mga representative nito ay obligadong isuko sa pulisya ang lahat ng armas na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Sa ngayon ay nagtatago pa rin si Dela Rosa kasunod ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court dahil sa kaugnayan nito sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here