Home NATIONWIDE Pagbili ng mas maraming palay, pagpapataas ng rice stocks, iniutos ni PBBM...

Pagbili ng mas maraming palay, pagpapataas ng rice stocks, iniutos ni PBBM sa NFA bago El Niño

3
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng administrasyon ang hakbang para protektahan ang suplay ng pagkain at tubig habang naghahanda ang gobyerno para sa posibleng epekto ng El Niño.

Iniutos ni Pangulong Marcos sa National Food Authority (NFA) na taasan ang palay procurement at warehouse capacity para para rice buffer stock ng gobyerno.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inatasan na nito ang NFA na direktang bumili ng palay sa natitirang panahon ng tag-ani.

“Bumibili ng bumibili ang NFA ubusin ang kanilang pera, para mapuno iyong ating mga NFA warehouses with the rice,” ay kay Laurel.

Pinaigting din ng Department of Agriculture ang production support sa mga lugar na may sapat pang tubig kabilang na ang karagdagang binhi at fertilizer, habang nagde-deploy ng solar irrigation systems at solar pumps para mapanatili ang farm production.

“We will be doing cloud seeding to make more water fall down sa mga agri lands natin. But besides that, we are also doubling down on iyong mga interventions doon sa areas ng tubig. Meaning, more intensity sa seeds per hectare, more fertilizer, then hopefully mas marami silang ma-produce doon sa mga areas na may tubig pa para ma-augment kahit paano ang mga areas na walang tubig,” ang pahayag ni Laurel.

Inatasan din ng Pangulo ang DA na maghanda ng work plan para sa mga magsasaka at mangingisda na maaaring hindi makaya na mag-produce sa kasagsagan ng El Niño. Ang plano ay kinabibilangan ng alternatibong aktibidad gaya ng canal construction at land preparation para sa susunod na panahon ng pagtatanim.

“Iniutos ni Pangulo na gumawa kami ng work plan na baka yung ibang TUPAD ibigay natin sa ating mga farmers at fisherfolk during the kasagsagan ng El Niño based on schedule para habang hindi sila makapagtanim ay gumawa sila ng mga kanal, mag land preparation for next planting season,” ang winika ni Laurel.

Sinabi pa ni Laurel na pinananatili ng gobyerno ang food supply buffers, kung saan ang bansa ay mayroong 75 araw na suplay ng bigas, 125 araw na suplay ng manok, 170 araw na suplay ng baboy at 90 araw na suplay na mais. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here