Home NATIONWIDE Pagbasura sa mga petisyon kontra BSKE postponement, hiniling ng OSG sa SC

Pagbasura sa mga petisyon kontra BSKE postponement, hiniling ng OSG sa SC

3
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court na ibasura ang petisyon laban sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sana ngayong 2026.

Sa komentong inihain ng OSG noong Oktubre 5, sinabi nitong ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na hinihiling ni election lawyer Romulo Macalintal ay maaaring makagambala sa operasyon ng Commission on Elections (Comelec).

Kinatawan ng OSG ang Office of the President, Senate, House of Representatives at Comelec sa naturang kaso.

Ayon sa OSG, sinuspinde na ng Comelec ang paghahanda nito para sa halalan, inalis ang election prohibitions at itinigil ang filing ng certificates of candidacy at campaign period.

“The public interest therefore favors maintaining a stable and predictable electoral calendar and weighs against the grant of interim relief,” ayon sa OSG.

Naganap ang pagsususpinde matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, o batas na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga barangay officials at miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Dahil dito, ang BSKE na nakatakda sanang isagawa sa Nobyembre 2026 ay ipinagpaliban sa Nobyembre 2028.

Iginiit ng OSG na hindi napatunayan ng petisyon ang kinakailangang malinaw at hindi mapag-aalinlanganang karapatan, substantial invasion sa naturang karapatan at agarang pangangailangan para pigilan ang pagpapatupad ng batas dahil sa banta ng hindi na mababagong pinsala.

Samantala, inatasan na rin ng Supreme Court ang Comelec na magsumite ng komento sa petisyon laban sa BSKE postponement. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here