MANILA, Philippines – Nanalig si Gilas Pilipinas coach Tim Cone na maisapinal na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang naturalization ni Bennie Boatwright.
Sinabi ni Cone na target nilang maisama si Boatwright para makapaglaro sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers na gaganapin sa Malaysia.Maghanap Facts
Ayon kay Cone, nasa proseso na ang SBP sa aplikasyon ni Boatwright para sa kaniyang Philippine passport.
Sinabi ni Cone na mayroon na lamang isang buwan ang SBP para ayusin ang papel ni Boatwright bago ang fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula mula Nobyembre 27 hanggang 29 sa Seremban, Malaysia.
Ang 6-foot-11 naturalized player ay kasalukuyang naglalaro sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.JC