Home METRO Durugistang riding-in tandem timbog P68K ‘bato’ sa Bulacan checkpoint

Durugistang riding-in tandem timbog P68K ‘bato’ sa Bulacan checkpoint

4
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan ng P68,000.00 halaga ng iligal na droga sa anti-criminality checkpoint ng mga awtoridad sa bayan ng Santa Maria nitong gabi ng Oktubre 5.

Sa ulat ni PLTCOL Mark Louie Sigua, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mark”, 37, at alyas “Lem”, 43, kapwa walang trabaho at mga residente ng Brgy. Caysio.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 9:30 ay nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng istasyon kasama ang ilang barangay opisyal ng Brgy. San Gabriel nang mamataan ang itim na motorsiklo na may lulang walang suot na safety helmet.

Dahil dito, pinara ito ng mga pulis para sa routine inspection subalit mabilis na pinaharurot ng driver kaya hinabol sila ng mga pulis.

Sa kasagsagan ng maikling habulan ay namataang may itinapon ang mga ito na isang coin purse hanggang sa masukol at tuluyang nahuli.

Nadiskubreng tatlong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa 10 gramo na may standard drug price na P68,000.00 ang laman ng coin purse at nakumpiska rin ang Honda Click motorcycle.

Nabatis na ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso habang humihimas ng rehas sa nasabing istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here