Home METRO Seguridad sa paglulunsad ng SoKor ng rocket, pinaigting ng PCG

Seguridad sa paglulunsad ng SoKor ng rocket, pinaigting ng PCG

3
0

CAGAYAN, Philippines – Pinaigting ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang paghahanda at precautionary measures para sa nakatakdang paglulunsad ng Korea Space Launch Vehicle II (KSLV-II) ng South Korea sa Oktubre 7, 2026.

Ayon sa Coast Guard, ang Drop Zone 1 ay nasa humigit-kumulang 391 nautical miles mula Babuyan Island sa Calayan, Cagayan, at 387 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan.

Saklaw ng lugar ang tinatayang coordinates na 21°29’38″N, 128°41’23″E; 21°37’59″N, 129°53’50″E; 18°29’43″N, 130°17’36″E; at 18°21’22″N, 129°06’34″E.

Kasunod ng abiso mula sa National Maritime Center, inatasan ng CGDNELZN ang mga Coast Guard station at substation na magpakalat ng safety information, maglabas ng navigation warnings at magsagawa ng kaukulang precautionary measures sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Ipinaabot din ang mga safety advisory sa mga mangingisda, coastal communities at iba pang maritime stakeholders.

Pinaalalahanan ang publiko na huwag pulutin o kunin ang anumang pinaghihinalaang rocket debris at agad itong ireport sa pinakamalapit na Coast Guard unit.

Patuloy namang imo-monitor ng Coast Guard ang sitwasyon at makikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan sa karagatan at maprotektahan ang buhay ng mga nasa dagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here