Home NATIONWIDE Lacson ‘nagpupuyos sa galit’ sa pgsira ni Jinggoy sa Pro-Tempore Office: ‘’Di...

Lacson ‘nagpupuyos sa galit’ sa pgsira ni Jinggoy sa Pro-Tempore Office: ‘’Di ko nilimas un’

1
0

MANILA, Philippines – Tila nagpupuyos sa galit si Senador Panfilo Lacson nitong Martes sa ginawang pangbabakbak ni Senador Jinggoy Estrada sa tanggapan ng President Pro-Tempore sa 6th Floor ng Senado na nilimas at sinira ang lahat ng dingding, sahig at fixtures at door knob.

Sa pahayag, pinabulaanan ni Lacson ang  pahayag na “bare” o walang laman ang tanggapan ng Senate President Pro Tempore na kanyang iniwan noong 2022 na inokupahan ni Estrada, dahil iniwan niyang buo ang tanggapan nang umalis dito.

Sinabi ni Lacson na iniwan niyang buo ang tanggapan dahil ginamitan ito ng pondo ng gobyerno para sa pag-ayos bago niya ito gamitin.

“I take exception to the statement pertaining to the state or condition of the same Pro Tempore office that I turned over to Sen. Estrada in 2022. Nothing was removed nor destroyed, precisely because government funds were used when I refurbished it when it was turned over to me,” aniya sa X.

Tinutukoy niya ang pahayag ng tanggapan ni Estrada na “bare” o walang laman ang Pro Tempore office nang ipasa ito sa senador noong 2022, na umano’y alinsunod sa matagal nang gawain sa Senado.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng kanyang post sa X isang araw bago nito, kung saan nag-post siya ng AI-generated na larawan ni kasalukuyang Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III na nakaupo sa halos walang laman na tanggapan, na may monobloc na mesa at upuan at isang “lampara” o gasera lamang.

“Poor Senate President Pro Tempore Tito Sotto. Naka monobloc table and chair at lampara na lang. Mistulang ‘barebones’ ang bago niyang opisina. Binaklas kasi lahat ng dating occupant—from the floor tiles, walls and cabinets to the toilet fixtures and wall outlets—inubos,” aniya.

Nakatakdang lumipat si Sotto ngayong linggo sa tanggapan ng Senate President Pro Tempore na dating ginagamit ni Estrada, ngunit noong Lunes ay natuklasan niyang halos walang laman na ito matapos baklasin ang mga fixture at iba pang bahagi ng tanggapan.

Naging Senate President Pro Tempore si Estrada sa panahon ng pamumuno ni Francis Escudero bilang Senate President, mula Mayo 2024 hanggang Setyembre 2025.

Matapos mapalitan si Escudero bilang Senate President at mahalal si Lacson bilang Senate President Pro Tempore, hindi niya inookupa ang dating tanggapan ni Estrada.

Kasalukuyang nakakulong si Estrada sa Payatas, Quezon City, kaugnay ng mga kasong plunder na isinampa sa kanya bunsod ng kontrobersiya sa flood control.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here