Home NATIONWIDE Padilla itinangging tumanggap ng pondo mula China: ‘Kahit isang singkong Intsik’

Padilla itinangging tumanggap ng pondo mula China: ‘Kahit isang singkong Intsik’

3
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Senator-judge Robin Padilla na tumanggap siya ng kahit magkano sa China kahit inamin nitong may kaugnayan siya sa Tapang at Malasakit Foundation Philippines Inc., na nakatanggap ng P150 milyong donasyon mula sa Chinese embassy sa Pilipinas.

Isinagawa ni Padilla ang pagtanggi sa ginanap na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hinggil sa pondong pumasok sa isang kompanyang pag-aari nito at asawang si Atty, Manases Carpio.

Naunang ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV na miyembro ng board of trustees ng foundation si Duterte at nakatanggap ito ng donasyon mula sa Chinese Embassy.

“Wala po akong natanggap na pera kahit singko sa mga Intsik,” ani Padilla sa Senate Impeachment Court.

Hiniling din niya na huwag silang idamay sa pagtanggap ng pera mula sa China.

“Tutal hindi naman nabanggit dito yung sa Tapang at Malasakit, hinihingi ko na huwag naman kaming madamay lahat, kasi kasama kami diyan eh. Hindi naman ’yan nabanggit sa korte, binanggit ’yan ni former Sen. Trillanes na hindi sa korteng ito,” dagdag niya.

Hindi binanggit ni Padilla kung sino sa mga kapwa niya mambabatas ang kasama rin sa foundation.

Matatandaan na inilunsaad ang Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines Incorporated noong Oktubre 23, 2017 na pinangunahan ni VP Duterte.

Tinawag itong “umbrella organization of groups that support the Duterte administration”.

Noong 2018, nakatanggap ang grupo ng P150 milyon mula sa Chinese government sa pamamagitan ng Chinese Embassy sa Manila.

Ginamit ito para sa construction ng 13 school buildings sa Davao City. Nagsilbi ang Tapang at Malasakit bilang conduit sa pagitan ng Chinese government at DepEd.

Dumalo sina Sara at Ambassador Zhao Jianhua sa groundbreaking sa Agdao Elementary School noong Oct. 5, 2018.

Muling binanggit ito ni dating Sen. Trillanes: “Tapang at Malasakit, pumasok P150 million”. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here