Home METRO 16 volcanic earthquake naitala sa muling pag-aalboroto ng bulkang Mayon

16 volcanic earthquake naitala sa muling pag-aalboroto ng bulkang Mayon

5
0

ALBAY, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na 16 na volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Mayon iniulat kanina ng ahensya sa Okubre 6, 2026 (Martes).

Ayon sa Phivolcs patuloy na nakataas ang alert level 2 sa paligid ng bulkang Mayon.

Nabatid pa sa Phivolcs na namataan ang pagbuga ng puting usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 500 metro at pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis.

Sinabi pa ng Phivolcs na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at hindi rin pinapayagan ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Kaugnay nito pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here