Home METRO 6 arestado sa drug den raid sa Pagadian City

6 arestado sa drug den raid sa Pagadian City

3
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Anim na katao ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 9 (PDEA-9) matapos salakayin ang isang drug den sa Pagadian City nitong Lunes, Oktubre 5.

Kabilang sa mga naaresto ang umano’y maintainer ng drug den na kinilalang si “Ken Ken,” alyas “Melody,” isang umano’y worker at apat na bisita na sina Eric, Honie, Melecio at Angelica.

Nakumpiska sa operasyon ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P50,000, gayundin ang mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here