Home NATIONWIDE PBBM, patungong Singapore para sa 5-araw working visit

PBBM, patungong Singapore para sa 5-araw working visit

3
0

MANILA, Philippines – Magtutungo ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 7, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore para sa limang araw na working visit upang palalimin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa, palawakin ang ugnayang pang-ekonomiya, at isulong ang kooperasyon sa mga sektor na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Analyn Ratonel, bibisita si Pangulong Marcos sa Singapore mula Oktubre 7 hanggang 11, sa imbitasyon ni Prime Minister at Minister for Finance Lawrence Wong.

“Ang working visit na ito ay bahagi ng inisyatibo ng bansa upang mapalalim ang ating ugnayan sa Singapore, mapalawak ang ating economic engagement, at isulong ang ating kooperasyon sa mga sektor na makatutulong sa kaunlaran ng ating bansa,” ayon kay Ratonel.

“Mahalaga rin ang pagkakataong ito dahil sa nalalapit na pagtatapos ng tungkulin ng Pilipinas bilang ASEAN Chair, at pagsisimula naman ng Singapore sa tungkuling ito sa susunod na taon,” dagdag pa ng opisyal.

Pinamumunuan ni Pangulong Marcos ang 2026 ASEAN Summit na may temang “Navigating Our Future, Together.”

Pangungunahan rin ng Pangulo ang 49th ASEAN Summit na nakatakda sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, sa Maynila.

Sa kanyang working visit, makikipagpulong ang Pangulo kay Prime Minister Wong upang talakayin ang kooperasyon ng Pilipinas at Singapore, gayundin ang mga usaping pangrehiyon.

Inaasahan ding dadalo si Pangulong Marcos sa 24th Forbes Global CEO Conference upang makipag-ugnayan sa mga pangunahing negosyanteng Singaporean at pandaigdigang lider ng negosyo.

Magiging pagkakataon din ito upang maipakita ang mga prayoridad ng Pilipinas sa pamumuhunan at ekonomiya.

Kasama rin sa schedule ng Pangulo ang pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang malaman ang karanasan ng Singapore. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here