Home NATIONWIDE Higit 400K pektado ng El Niño; tagtuyot inaasahan sa 84 lugar

Higit 400K pektado ng El Niño; tagtuyot inaasahan sa 84 lugar

5
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 428,687 indibidwal o 115,246 pamilya ang apektado ng El Niño sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Caraga, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nasa 106 lungsod at munisipalidad na rin ang isinailalim sa state of calamity. Pinakamarami rito ang nasa Cagayan Valley na may 66, sinundan ng Caraga na may 23, Bicol na may 12, Calabarzon na may apat at Soccsksargen na may isa.

Ayon sa NDRRMC, P45.49 milyon na halaga ng ayuda ang naipamahagi sa 34,649 pamilya, o 73.74 porsiyento ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong.

Samantala, sinabi ng Department of Agriculture na 223,214 magsasaka sa 14 na rehiyon ang naapektuhan, habang umabot na sa P6.87 bilyon ang pinsala sa agrikultura.

Ayon kay PAGASA weather specialist Junie Ruiz, anim na lalawigan sa Luzon at Visayas ang makararanas ng tagtuyot sa Oktubre at Nobyembre. Maaari itong lumawak sa 17 lugar pagsapit ng Disyembre, 45 sa Enero 2027, 78 sa Pebrero at 84 sa Marso.

Itinuturing ng PAGASA na tagtuyot ang tatlong magkakasunod na buwan na may mas mababa sa normal na dami ng ulan. Inaasahan din ang mas kaunting pag-ulan sa bansa matapos humina ang mga hanging kaugnay ng habagat.

Nanatili namang umiiral ang malakas na El Niño sa tropical Pacific at posibleng umabot sa napakalakas na antas bago matapos ang 2026, at magpatuloy hanggang unang kalahati ng 2027.

Sa kabila nito, inaasahang tatlo hanggang limang tropical cyclone ang papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility mula Oktubre 2026 hanggang Marso 2027. Isa o dalawa ang maaaring mangyari mula Oktubre hanggang Disyembre at isa sa Enero, habang maliit ang tsansa ng bagyo sa Pebrero at Marso.

“May El Niño tayo kaya posible ang mas kaunting ulan at mas mainit na temperature sa mga susunod na buwan. Pero patuloy pa rin nating babantayan ang mga weather system na magdadala ng maraming ulan sa bahagi ng bansa gaya ng ITCZ [intertropical convergence zone], shear line, amihan, and tropical cyclones,” ani Ruiz. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here