Home METRO Bahagi ng nat’l highway sa Bohol, isinara sa posibleng sinkhole

Bahagi ng nat’l highway sa Bohol, isinara sa posibleng sinkhole

5
0

BOHOL, Philippines – Isinara noong Miyerkules ang bahagi ng national highway sa Barangay Taguihon matapos masira at unti-unting lumubog ang konkretong kalsada, na posibleng dulot ng sinkhole.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang apektadong bahagi upang matukoy kung sinkhole ang dahilan ng patuloy na paglubog ng kalsada.

Bilang pag-iingat, ipinagbawal muna ang pagdaan ng mga sasakyan sa lugar upang maiwasan ang posibleng aksidente.

Ang Taguihon ay isa sa mga barangay ng Baclayon na dinaraanan ng national highway na nag-uugnay sa bayan sa Tagbilaran City at iba pang munisipalidad sa silangang bahagi ng Bohol.

Pinayuhan ang mga motorista na gamitin ang Diversion Road–Sto. Niño Provincial Road na kumokonekta sa President Carlos P. Garcia Avenue bilang alternatibong ruta.

Hinimok din ang mga motorista na mag-ingat, iwasan ang saradong bahagi ng kalsada at sundin ang mga traffic advisory habang nagpapatuloy ang inspeksiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here