Home METRO 2 nahulihan ng loose firearms sa Cavite

2 nahulihan ng loose firearms sa Cavite

6
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mga loose firearms sa isinagawang operasyon ng Cavite Police Provincial Office at Dasmariñas PNP sa Barangay Victoria Reyes.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Roy” at “Botchog,” kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, isinagawa ng Provincial Intelligence Unit, kasama ang mga tauhan ng Dasmariñas City Community Police Station, ang operasyon dakong alas-5:30 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Narekober sa mga suspek ang isang Colt caliber .45 pistol na may magazine at dalawang bala, gayundin ang isang caliber .22 revolver na may apat na bala sa cylinder.

Nakuha rin ang isang genuine na ₱1,000 buy-bust money, siyam na tig-₱1,000 boodle money at isang motorsiklo.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Dasmariñas Police Station. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here