MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani sa Davao Occidental madaling araw ng Huwebes, Oktubre 8, 2026.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay tumama 12:42 ng madaling araw at tectonic in origin.
Naitala ito 91 kilometro timog ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 93 kilometro.
Iniulat ang Intensity I ng lindol sa Malita at Malungon.
Inaasahan ang aftershock bagamat hindi naman nakita ang anumang mga pinsala. RNT/JGC