Home NATIONWIDE BOC-Manila nakalikom ng P12.3M sa auction ng refrigerant gas

BOC-Manila nakalikom ng P12.3M sa auction ng refrigerant gas

4
0

MANILA — Umabot sa ₱12.318 milyon ang nalikom ng Bureau of Customs–Port of Manila (BOC-POM) mula sa dalawang public auction ng mga nakumpiskang refrigerant gas noong Setyembre 2026.

Isinagawa ang mga auction sa pamamagitan ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) noong Setyembre 10 at Setyembre 30, bilang bahagi ng hakbang ng ahensya na makalikom ng karagdagang kita para sa pamahalaan mula sa maayos at transparent na disposisyon ng mga forfeited goods.

Sa unang auction noong Setyembre 10, limang sale lots ang inilabas para sa bidding, habang 12 sale lots naman ang inialok noong Setyembre 30.

Gayunman, tig-iisang sale lot lamang ang matagumpay na naibenta sa bawat auction, na nagresulta sa pinagsamang koleksiyon na ₱12.318 milyon.

Pawang refrigerant gas ang mga produktong naibenta sa dalawang auction.

Ayon sa BOC, tiniyak ng ACDD na nasunod ang mga kinakailangang environmental protection measures sa buong proseso ng bidding at disposisyon ng mga produkto.

Isinagawa ang mga auction alinsunod sa direktiba ni Port of Manila District Collector Rizalino Jose C. Torralba, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pantalan na mapataas ang revenue collection habang pinananatili ang transparency at accountability sa disposal ng forfeited cargo.

Mahigpit ding hiniling ng ACDD sa mga kwalipikadong bidder na kumuha muna ng kinakailangang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) bago makalahok sa auction ng refrigerant gas.

Sa pamamagitan nito, tiniyak na ang mga bidder na nakakatugon sa itinakdang environmental requirements lamang ang maaaring lumahok sa pagbili ng mga regulated goods.

Sa pamumuno ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sinabi ng BOC na patuloy nitong pinapalakas ang mga revenue-generating initiative kasabay ng pagsunod sa environmental regulations at umiiral na government disposal procedures. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here