BATAAN – Bunsod ng patuloy na implementasyon ng Revitalized Katok na ipinatutupad ng kapulisan sa bansa, iniulat ng mga awtoridad na umabot sa pitong (7) loose firearms ang narekober ng pulisya sa bayan ng Dinalupihan.
Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt. Bjorn John Labos kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, pinangunahan ni Bataan Police Director Col. Marites A. Salvadora ang pagpapatupad ng operasyon sa naturang lugar.
Sa magandang ugnayan ng pulisya, barangay officials at BPATS ay naipatupad nang maayos ang operasyon.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga narekober na pitong (7) iba’t-ibang kalibre ng loose firearms.
Layon ng programang Revitalized Katok na palakasin ang pagtalima o pagsunod sa batas ng armas upang maiwasan ang paglaganap ng mga loose firearms.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng kapulisan sa Bataan ang publiko na tiyaking legal at tumutupad sa naaayong batas sa pagmamay-ari ng mga baril o armas. ROEL TARAYAO