Home HOME BANNER STORY Iniwang opisina ni Estrada sa Senado, ininspeksyon ng Ombudsman

Iniwang opisina ni Estrada sa Senado, ininspeksyon ng Ombudsman

2
0

MANILA, Philippines – Ininspeksiyon ng mga kinatawan ng Office of the Ombudsman ang opisina na iniwan ni Senator Jinggoy Estrada.

“I was informed of the Ombudsman inspection yesterday and of the GSIS ocular the other day,” pahayag ni Senate Secretary Renato Bantug.

Aniya, wala siyang natanggap na kahilingan mula sa Commission on Audit (COA) para sa inspeksiyon, ngunit hiniling ng komisyon na linawin ng Senado ang mga patakaran nito sa ganitong usapin.

Noong Lunes, nakita ang opisina na halos walang laman matapos tanggalin ang mga muwebles, saksakan ng kuryente at mga tiles. Nawawala rin ang karamihan sa mga floor tiles, mesa, upuan, at mga kagamitan sa comfort room, kabilang ang shower at toilet bowl. Nakalantad at nakalaylay rin ang mga kable ng kuryente.

Ayon sa staff ni Estrada, nakasanayan na sa Senado ang pagtanggal ng mga fixture at materyales mula sa opisinang dating ginagamit ng isang senador.

“It must also be emphasized that similar instances of dismantling fixtures and materials from a vacated senator’s office have occurred in the recent past,” pahayag ng tanggapan ni Estrada.

“This is neither new nor unusual — it is an established and accepted practice within the institution, and singling out this particular transition for scrutiny is both unfair and misleading,” dagdag nito.

Ang opisina ay nakatakdang gamitin ni Senator Vicente Sotto III matapos niyang palitan si Estrada bilang Senate President Pro Tempore.

Noong Hunyo, ikinulong si Estrada sa Quezon City Jail matapos maglabas ng kautusan ang Fifth Division ng Sandiganbayan para sa kanyang pag-aresto kaugnay ng mga kasong plunder na hindi pinapayagan ang piyansa. Dahil sa patuloy niyang pagkakakulong, hindi siya nakadadalo sa mga pagdinig ng Senado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here