MANILA, Philippines – Winelcome ng Malakanyang ang naging pagpapasya ng International Criminal Court (ICC) na na nagdedeklara na ‘fit’ si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa paglilitis.
Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, iyon din naman kasi ang inaasahan ng mga filipino na malusog na haharap si Digong Duterte sa korte at sagutin ang drug war killings ng kanyang administrasyon.
Si Duterte, nahaharap sa kasong crimes against humanity, ay natuklasan na ‘fit’ para humarap sa paglilitis, araw ng Huwebes sa ICC Trial Chamber III.
“‘Yun naman din po ang nais natin. Unang-una, ang nais lahat ng mga Pilipino ay maging maayos ang kalusugan ng dating Pangulong Duterte — mas maging malakas siya, mas maging malalim ang kaniyang mga pag-iisip para maharap niya ang mga akusasyon na ibinabato sa kaniya,” ang sinabi ni Castro.
Para ma-accommodate ang partisipasyon ni Digong Duterte, ipinag-utos ng Trial Chamber III ang special measures para sa trial, na nakatakdang magsimula sa November 30, 2026.
Ani Castro, “it is only by maintaining good health that the former president can reveal the truth regarding his anti-drug campaign.
Tinuran ni Castro, nang magsasalita na si Digong Duterte, maaaring umamin ito sa nangyaring patayan sa ilalim ng kanyang “alleged drug war.”
“Dahil sa kaniyang maging malusog na pangangatawan [at] malusog na pag-iisip, doon lamang niya maaaring isiwalat ang katotohanan. At malamang ay mababanggit niya rin sa hearing kapag panahon na niyang magsalita, ang pag-amin niya sa mga isinagawang planong pagpapatay para sa paglaban di-umano sa droga,” ang litaniya ni Castro.
Bago pa ang third status conference noong September 16, humirit ang defense team ni Digong Duterte sa Chamber na ipag-utos ang karagdagang medical evaluations.
Iginiit ng lead counsel ni Digong Duterte na si Peter Haynes, na makikita sa naunang eksaminasyon ang “significant memory impairment,” dahilan para hindi magawa ng dating Pangulo na mapanatili ang bagong impromasyon o consistently ay maalala ang nakalipas na events.
Sa desisyon nito, inatasan din ng Trial Chamber III ang ICC Registry na “make necessary arrangements” para sa nalalapit na paglilitis.
Ang obserbasyon, inihain noong October 7, hiniling ng Registry sa Chamber na ikonsidera ang its “recommended special measures,” kabilang a ang sitting schedule ng isang one-hour blocks at permitting remote attendance sa pamamagitan ng video link mula sa ICC Detention Center. (KRIS JOSE)