Home HOME BANNER STORY P750 dagdag-sahod sa kasambahay sa CALABARZON, aprubado na

P750 dagdag-sahod sa kasambahay sa CALABARZON, aprubado na

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng wage board ang P750 dagdag sa buwanang sahod ng humigit-kumulang 201,000 kasambahay sa CALABARZON, ayon sa Department of Labor and Employment nitong Oktubre 10, 2026.

Sa ilalim ng Wage Order No. RB-IVA-DW-06, ang bagong minimum wage ng mga kasambahay sa rehiyon ay magiging P7,500 kada buwan.

Sakop ng kautusan ang lahat ng domestic workers sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal — live-in man o live-out — kabilang ang general househelps, yaya, kusinero, hardinero, at labandera. Hindi kasama ang family drivers at mga paminsan-minsan lang na nagtatrabaho.

Inaprubahan ito ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na pinamumunuan ni Labor Secretary Francis N. Tolentino matapos ang konsultasyon at public hearings sa Cavite, Rizal, Quezon, at Laguna, kung saan sinuri ang kalagayan ng ekonomiya, pangangailangan ng mga kasambahay, at kakayahan ng employers na magpasahod.

Epektibo ang bagong sahod sa Oktubre 26, o 15 araw matapos mailathala ang wage order.

Walang exemption — dapat bayaran ng employer ang sahod sa cash ng isang beses kada buwan. Maaari namang magkasundo ang employer at kasambahay sa mas mataas na sahod depende sa skills at performance.

Mahaharap sa parusa ang mga employer na hindi susunod sa mandated wage o lalabag sa RA 10361 o Batas Kasambahay.

Tiniyak ng DOLE Regional Office IV-A na mahigpit na babantayan ang implementasyon alinsunod sa direktiba ng administrasyong Marcos Jr. na protektahan ang mga vulnerable workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here