Home NATIONWIDE 2 suspek sa pamamaril sa welder sa Bulacan kinuyog ng mga parak

2 suspek sa pamamaril sa welder sa Bulacan kinuyog ng mga parak

3
0

Bulacan – Sugatan ang isang 32 anyos na lalaking welder matapos umanong barilin ng riding-in tandem sa Purok 6, Brgy.Longos Calumpit nitong umaga ng Oktubre 9.

Dahil dito, agad nag-imbestiga at pag-backtrack ng CCTV footages ang mga awtoridad hanggang sa natukoy ang mga dinaanan ng mga ito at nagkasa ng hot pursuit operation.

Sa pamamagitan ng JBM “Kuyog” System o pinagsama-samang puwersa ng police units ay naaresto ang 47-anyos na lalaking suspek na umanoy pangunahing suspek bandang 7:15 ng gabi sa Brgy. Cutcut, Angeles City.

Sa follow-up operation bandang 9:00 ng gabi nabawi sa tirahan ng isa pang lalaking suspek, 44 anyos, sa Brgy. Sto. Rosario, Malolos ang silver .45 caliber Taurus pistol na hinihinalang ginamit sa krimen at pulang Yamaha Fazzio motorcycle na umanoy ginamit sa pagtakas.

Sinasabing magkatuwang ss operasyon sa ilalim ng JBM Kuyog System ang Calumpit police station, Regional Intelligence Unit 3, Bulacan PIU, Malolos , Plaridel, Pulilan, Paombong police station, Provincial Intelligence Team Bulacan West, CIDG Bulacan Field Unit at Station 5 ng Angeles City police station..

Dinala ang mga naarestong suspek sa Bulacan Medical Center para sa medical examination at Bulacan Provincial Forensic Unit para sa paraffin examination na umanoy tumanggi ang mga ito sa pagsusuri sa pamamagitan ng waiver.

Inihahanda na ang mga kasong frustrated murder at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here